pagsassanay sa Filipino 4 melc no. 1

 

Pagsasanay 1

F4PN-IIf-3.1

F4PN-IIIb-3.1

F4PB-IVb-c-3.2.1

Nasasagot ang mga tanong mula sa napakinggan at nabasang alamat, tula, at awit.

Ref. Yamang Filipino 4

A. Basahin ang ilang bahagi ng  alamat ni Mariang Sinukuan at sagutin ang sumusunod na tanong tungkol dito

Si Mariang Sinukuan ay Diwata ng Bundok arayat. Mabait at Maganda siya. Siya ay mahal ng mga tao, Ang kanyang ama ay tinatawag ng lahat na Apo. Ang kagandahan ni Mariang Sinukuan ay hinahangaan ng mga kalalakihan. Kapag may liwanag na nagmumula sa bundok, si Mariang Sinukuan ay namamasyal sa paligid ng Bundok Arayat .Ang bundok ay matatagpuan sa Pampanga.

1. Sino ang diwata sa Bundok arayat?

2.Anong katangian mayroon si Maraing Sinukuan

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


4.Ano ang palatandaan na si Mariang sinukuan ay namamasyal

3. Ano ang tawag sa kanyang ama?

                                                                          

 

5.Saan matatagpuan ang bundok arayat?

5 Ano ang hinahangaan sa kanya ng mga kalalakihan?

 

 

 

 

 

 

 

 


B. Basahin ang tula ay sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol dito.

 

Salamat bayan sa pag-aaruga,

Sa iyong paglingap mula pagkabata,

Sa mga bigay  mong  karapatan,

Na lagi mong ipinagsasanggalang.

 

Salamat bayan ko, sa iyong paggabay.

Tinitiyak mo ang aking tagumpay.

Sa mga serbisyong inilalaan

Na tila walang hangganan

 

6. Tungkol saan ang tula?_____________________________________________________________

7. Ano ang ipinagsasanggalang sa tula?__________________________________________________

8. Ilang linya mayroon ang tula?_____________________________

9. Ilang saknong mayroon ang tula?_____________________

10. Magbigay ng dalawang salita na magkasingtunog____________________---__________________

11. Ano ang tinitiyak ng bayan sa tula?_____________________________________________

12. Ano ang inilalaan sa bayan?___________________________________________________.

C. Basahin ang mga linya sa awitin  ni Freddie Aguilar na anak at sagutin ang sumusunod na tanong.

Anak

Freddie Aguilar

Nung isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila
Ang iyong ilaw

At ang nanay at tatay mo'y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan
Pati pagtulog mo

At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama’y kalong ka ng iyong
Amang tuwang-tuwa sa yo'

Ngayon nga ay malaki ka na
Nais mo'y maging Malaya
Di man sila payag
Walang magagawa

Ikaw nga ay biglang nagbago
Nagging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'why
Sinuway mo

Di mo man lang inisip na ang
Kanilang ginagawa'y para sa yo
Pagka't ang nais mo'y másunod
Ang layaw mo dimo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y maligaw
Ikaw ay nalulong
Sa másama bisyo

At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong nila ANAK
Ba't ka nagkaganyan?

At ang iyong mata'y biglang lumuha
Ng di mo napapasin
Pagsisisi at sa isip mo't nalaman
Mong ika'why nagkamali

13. Ilang saknong mayroon ang awitin?

14. Sa bawat saknong ilang linya/pangungusap ang bumubuo dito?

15. Sino ang natuwa ng isinilang ka sa mundong ito?

16. Sino ang nagpupuyat sa pagtimpla ng gatas mo?

17. Ano ang nararamdan ng iyong ama habang ikaw ay kalong niya?

18. Ano ang gustong gawin ng bata nang siya ay lumaki na?

19. Ano ang naging ugali niya habang siya ay lumalaki?

20. Bakit naging matigas ang kanyang ulo?

21. Ano ang nagyari sa kanya sa hindi pagsunod sa mga payo ng kanyang mga magulang?

22. Paano niya napagtanto na mali ang kanyang gingawa?

23. Ano ang kanyang ginawa upang mapatawad ng kanyang mga magulang?

24. Saan siya nalulong?

25. Tutularan mo ba ang bata sa awit?

 

 

 

Inihanda ni

Elma A.  Abayon

Guro sa Burgos Unit I E/S Rodriguez, Rizal

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Filipino 4 MELC no. 3(Natutukoy ang Elemento ng ng Kwento (tagpuan,Tauhan, Banghay))

Uri ng Pangalan