Uri ng Pangalan
Pangalan:___________________________________ Baitang at Seksyon:’__________________
Pagsasanay 4
F4WG-Ia-e-2
Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita
tungkol- sa sarili sa mga tao,sa mga hayop sa paligid - sa lugar, bagay at
pangyayari sa paligid
Uri
ng Pangalan
1. Pangngalang
Konkreto o Tahas- mga pangngalang material na maaaring mabilang, mahawakan,
Makita, marinig,maamoy, o malasahan o madama n gating mga pandama.
Hal. paaralan, ulan, medalya
2. Pangngalang
Palansak- mga pangngalang tumutukoy sa pangkat ng isang uri ng pangngalan.
Hal. grupo, organisasyon,hukbo, buwig,
tumpok, kumpol.
3. Pangngalang
Di Kongkreto o Basal- mga pangngalang di materyal, maaring isng ideya,
kaisipan, o damdamin
Hal. katapangan, kabayanihan,
kaligayahan
·
Nakikilala ang mga pangngalang kongkreto, palansak at di kongkreto
A. Panuto:
Isulat sa linya kung kongkreto, palansak o di kongkreto ang mga pangngalang may
salungguhit..
__________1. Si Wasana ay isang batang bayani.
__________2. Ang kababayan ay walang pinipiling
edad.
__________3. Ang ating hukbo ay maituturing ding
mga bayani.
__________4. Ang kanilang katapatan sa bayan ay
katumbas ng kanilang buhay..
__________5. Bawat tao ay maari ding magpakita ng
kabayanihan kahit sa mumunting paraan.
__________6. Isang kabayanihan ang pagbibigayng respeto
sa kapwa.
__________7. Mahalaga din ang pagsali sa mga organisasyong
tumutulong sa mga nangangailangan.
__________8. Umiwas tayong makasakit sa damdamin ng
iba.
__________9. Kung ang bawat mamamayan ay gagawa ng makakaya, uunlad an
gating bansa.
_________10. Ang kaunlaran ay makakamit kung tayo’y
magkakaisa.
B. Panuto:Gamitin
ang mga sumusunod na pangngalan sa mga pangungusap na nagsasabi tungkol sa iyong sarili, sa mga tao, hayop,
ibang bagay at pangyayari tungkol sa iyong paligid.
1. pagmamahal_______________________________________________________
2. pamilya___________________________________________________________
3. hayop_____________________________________________________________
4. halaman___________________________________________________________
5. klase______________________________________________________________
6. lindol______________________________________________________________
7. sunog______________________________________________________________
8. bagyo______________________________________________________________
9. baha_______________________________________________________________
10. tsunami/storm
surge___________________________________________________
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento