Filipino 4 MELC no. 3(Natutukoy ang Elemento ng ng Kwento (tagpuan,Tauhan, Banghay))

 

Unang Markahan

 

Pangalan:___________________________________  Baitang at Seksyon:’__________________

 

Pagsasanay 3

F4PB-Ia-97

Natutukoy ang Elemento ng ng Kwento (tagpuan,Tauhan, Banghay)

May tatlong elemento ang kuwento:

1.         Tagpuan

          Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento. Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa ibat ibang lugar, sa ibat ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari.

2.         Tauhan

Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.

3.         Banghay

Ito ay tumutukoy sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kwento. Mayroong tatlong bahagi ang banghay.

                        .Panimula

                        .Gitna

                        .Wakas

GAWAIN 1

   Basahin at unawain ang maikling kwento. Tukuyin ang tauhan, tagpuan at banghay nito, Isulat ang sagot sa ibaba.(5 puntos)

 

         Sina Ana at John ay magkababata. Sabay silang lumaki sa probinsiya ng Quezon at sabay ring nag-aaral sa lugar na ito.Kapwa sila mabait, magalang at masunurin.

          Magkaiba sila ng katayuan sa buhay pero hindi iyon naging  hadlang para sila ay maging mabuting magkaibigan. Sa tuwina nagbibigayan ng pagkain, Nagtutulungan din sila sa kanilang mga gawain sa paaralan.

           Hanggang magbinata si John at magdalaga naman si Ana ay magkasundo pa rin sila. Magkasama sila saan mang pagtitipon, Ang sabi nga ng mga nakakikilala sa kanila ay pambihira ang kanilang pagiging magkaibigan.                                                                                                                          

 

 

                               Tagpuan

 

 

                                

 

 


Banghay

 

 

 

 

 

 

 

 

 

                       Tauhan

 

 

       Piliin ang tauhan, tagpuan at banghay sa mga sumusunod. Ilagay ito sa nakahandang tsart na nasa ibaba.(5 puntos)

 

1. Masayang Kumakain ng almusal ang pamilya Abayon ng dumating ang magandang balita.

2.Sa  hapag kainan ng kanilang bahay

3, Nakapasa sa isang kilalang Paaralan ang kanilang kuya Ken

4. Lalong ginananahang kumain ang buong pamilya sila ay masayang nagkwentuhan habang kumakain.

5. Itinuloy ng Nanay Elma ,Tatay Joy, Kuya Ken at Jela ang kanilang masayang  kwentuhan sa Sala.

 

 

               Tagpuan                             

 


 

 

Tauhan

                               

 

 

Banghay

 

 

 

 

 

 

 

 

 

GAWAIN 3

 Matapos ninyong mabasa ang kwento sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Sa  isang malayong lugar sa Bayan ng Negros ay may isinilang na isang batang babae . Lumaki siya sa piling ng kanyang mapagmahal na Lola. Bata pa siya ng iniwanan na siya ng kanyang ina upang maghanapbuhay sa ibang lugar.Naging masunurin, mabait at mapagmahal na bata Si Jena. Nag aral siyang mabuti kaya naman nakamit nya ang unang karangalan. Tuwang tuwa ang kanyang Ina ng mabalitaan ito bilang regalo sa kanyang pagsisikap sa pag aaral binilhan siya ng kanyang ina ng bagong Cellphone. Masayang masaya si Jena dahil lagi na niyang nakakausap ang kanyang ina.

 

1.  Sinu-sino ang tauhan sa kwento? _________________________________

2.  Saan nangyari ang kwento?

_________________________________

3.  Bakit lumaki sa kanyang lola si Jena?

_________________________________

4.  Ano-anong katangian ang ipinakita ni Jena sa Kwento?

_________________________________

5.  Paano niya nakamit ang unang karangalan?___________________________

_________________________________

6.  Ano ang inyong naramdaman matapos mabasa ang kwento?_______________________

 

 

 

Ang Batang si Jena

 

 


            

Lugar:

 

TAGPUAN

 

 

MGA TAUHAN

 

BANGHAY

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Inihanda ni

Elma A.  Abayon

Guro sa Burgos Unit I E/S Rodriguez, Rizal

 

 

 

 

 

 

 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Uri ng Pangalan