Filipino 4 MELC nO. 4 (Natutukoy ang bahagi ng binasang kuwento- simula-kasukdulan-katapusan Banghay ng maikling kwento)
Pangalan:___________________________________ Baitang at Seksyon:’__________________
Pagsasanay 4
F4PB-Ii-24
Natutukoy
ang bahagi ng binasang kuwento- simula-kasukdulan-katapusan
Banghay ng maikling kwento
SIMULA- paglalahad o paglalarawan sa tauhan, tagpuan o
maaaring mailahad agad ang suliranin.
KASUKDULAN-pinaka mataas na bahagi ng kwento , masasabing
dito sa bahaging ito ang pinakapana-panabik na bahagi ng kwento.
WAKAS- Maaaring ang wakas ay masaya, malungkot, o
nagbubukas sa iba-ibang ideya o tinatawag na open-minded.
Gawain 1
Sabik na
sabik na si Jela. Darating na kasi ang Nanay niyang si Aling Inday. Dalawang
taon ding nawala si Aling inday. Galing siya ng Taiwan. Sumama si Jela sa Tatay
niy sa paliparan. Hiniram nila ang ang bagong Dyip ni Tito Totoy para
makapunta doon. Susunduin nila si Aling Inday. Pagdating sa paliparan,
naghintay pa sila. Hindi pa kasi dumarating ang eroplanong sinasakyan ni Aling
Inday. Hindi Nagtagal., May narinig a tinig si Jelaa. Jela! Totoy!"
malakas na sigaw ni Aling Inday nang
makita ang mag ama "Inay!" sigaw din ni Jela sabay takbo ng mabilis
papalapit sa kanyang ina. Marami akong pasalubong sa iyo, anak" simula ni
Aling Inday "may Jacket, bag, damit, at laruan." "Salamat,
Nay." sagot ni Jela "Pero mas gusto ko po, nandito ka na! kasama ka
na namin uli!" Masayng umuwi ng bahay ang buong pamilya at hindi umalis ng
bansa si Aling Inday
Ayusin ang mga pangungusap na hango sa kwento.
Sa pamamagitan ng linear model, tukuyin ang bahagi ng ating kwento Ilagay ito
sa tamang hanay ng linear model. Isulat ang pamagat ng kuwentong binasa.
simula
Linear Model
Pamagat ng Kwento katapusan kasukdulan
Gawain 2:
Umaga na sa bukirin ,
Maagang lumabas si Bulate , nais niyang
masikatan ng araw . sa di kalayuan , nakita
siya ni Tandang ,Lumapit si Tandang upang kainin si Bulate. Nagulat
si Bulate at nag isip nang mabilis .
Biglang nagsalita si Bulate “Kaibigan
,”simula ni Bulate,” “bago mo ako kainin, mayroon sana akong hiling. Nais ko
munang marinig ang maganda mong boses.”Natuwa si Tandang sa sinabi ni Bulate.
Alan i Tandang na maganda ang boses niya.Tumilaok siya ng mahaba . Ang hindi
niya alam nagtago na si bulate sa ilalim ng lupa.
Tignan ang pyramid
Unawain ito at
sagutan ang sumusunod na tanong:
Ano ang kasukdulan
Paano nagsimula ang
kuwento?
Paano nagtapos ang kuwento?
Ano ang pamagat ng kuwento?
Balikan ang kuwento
nina Hipon at Biya.Gamitin ang imahinasyon. Iguhit sa bawat kahon ang
nangyari sa kuwento. Gawin ito sa isang puting papel.
Katapusan
Gawain 3:
Ipabasa sa mga
mag-aaral ang kwento. Matapos mabasa ang kuwento, ibigay ang hinihinging bahagi
ng kuwento.Isulat ang sagot sa graphic organizer sa ibaba.
Parami nang Parami
ni Ma. Hazel J. Derla
Malungkuting mag-aaral si Lorena. Lagi
lamang siyang nakaupo sa lilim ng isang punong mangga sa kanilang paaralan.
Sapat na sa kaniya ang manood sa mga
batang masayang naglalaro sa malawak na palaruan.
Isang araw, sa kaniyang panonood, isang
mag-aaral ang napaupo sa tabi niya. Habol nito ang paghinga at bigla na lamang
tumulo ang luha. Sa
takot ni Lorena, nasabi niya sa mag-aaral,
“Ano’ng nangyari sa iyo? May masakit ba
sa iyo?”
Inaatake pala ng hika ang mag-aaral na
katabi niya. Tumayo si Lorena at nagtatakbo palayo sa mag-aaral.
Pagbalik ni Lorena, kasama na niya ang
kanilang nars. Mula noon, naging matalik na silang magkaibigan.
Masayahing mag-aaral na si Lorena. Lagi
na siyang may kausap. Lagi na siyang may kalaro, hindi lamang isa kundi parami
pa nang parami ang kaniyang nagiging kaibigan.
Pamagat
Inihanda ni
Elma A. Abayon
Guro sa Burgos Unit I E/S Rodriguez, Rizal
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento