Filipino 4 MELC no. 2( Nabibigyang Kahulugan ang mga salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon)

 

Unang Markahan

 

Pangalan:___________________________________  Baitang at Seksyon:’__________________

 

Pagsasanay 2

F4WG-Ia-97 Nabibigyang Kahulugan ang mga salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon

 Pormal na depenisyon  ang tawag kapag ang salita ay may pinagbasehan o galling sa diksyunaryo.

Diksyunaryo ay isang sanggunian na nagbibigay ng kahulugan, tamang bigkas at bahagi ng pananalita ng mga pangunahing salita.Nakaayos ito ng paalpabeto.

Gumagamit ng Bokabularyo mas Komplikado kaysa sa ginagamit sa araw araw na usapan.

Gawain 1

A.   Basahing mabuti ang mga depinisyon  ng bawat salita . Mula sa mga ito.Ibigay ang kasing kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap . Isulat ang sagot sa linya.

·        Batya- isang gamit na pinagbababaran o pinaglalabahan ng damit.

·        Ingkong- matandang lalaki

·        Maburak- tubig na  marumi at maputik

·        Magsing-irog- dalawang taong nagmamahalan o nag iibigan

·        Panatag –isang kalagayang walang gulo o tahimik.

 

_____1. Dati’y maraming puno ang nakatanim sa lupang katabi  ng Ilog Pasig

_____2. Isang lolo ang nagkukuwento  ng mga pangyayari.

_____3. Maraming magkasintahan ang namamasyal  noon sa tabing-ilog.

_____4. Madalas din dito ang mga ina dala ang mga palanggana ng mga labada.

_____5. Sana’y manumbalik ang payapang kalagayan ng kawawang ilog.

 

Gawain 2

Panuto: Gamit ang inyong diksunaryo sa bahay Filipino- Filipino ibigay ang pormal na kahulugan ng mga sumusunod na salita

 

6. Pamilyar                                                    

7. Pamimintakasi

8. paminsanan

9. Pamimirata

10. handog

11. pamisaan

12.  yari

13. paminta

14. Pamingkit

15. Sapat

 

Gawain 3.

Panuto: Gamitin  sa pangungusap ang Pormal na kahulugan ng mga sumusunod na salita.

16. Imbita

17. Planeta

18. Kalan

19. Nakasampa

20. Sukat

21. Panyo

22. Anino

23. Troso

24. Pagtitipon

25. maamo

Inihanda ni

Elma A.  Abayon

Guro sa Burgos Unit I E/S Rodriguez, Rizal

 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Filipino 4 MELC no. 3(Natutukoy ang Elemento ng ng Kwento (tagpuan,Tauhan, Banghay))

Uri ng Pangalan